<body scroll="auto">
Friday, January 16, 2009

Buhay Tsinelas

Ikaw aking kaibigan may tsinelas ka bang suot ngayon? komportable ka ba sa suot mong tsinelas ngaun? aba kung hinde magapalit ka na dahil maraming tsinelas dyan na nais malasap ang iyong paa na puno ng kalyo at pawis.

Para sa mga kapwa kong kalalakihan, naranasan mo ba noong kabataan mo na magsuot ng tsinelas na nagngangalang RAMBO? aba kung hinde sinayang mo ang kabataan mo! ito ay isang uri ng tsinelas na matigas na sa sobrang kapal ay maari mo nang mabutas ang sahig sa tuwing inaapak mo ito sa lupa, kadalasan kulay itim ito at may pulang sabitan ng mga daliri. Sa gilid na parte nito ay makikita mo ang mga kulay na pula, berde, at dilaw, oh di ba reggae ang kulay! pahalang ang direksyon nito at nakapalibot sa gilid ng tsinelas.

"ung rambo? matigas un! parang pag ipinalo mo hinde ln lalatay eh dudugo pa haha"

Spartan, may naaalala ka ba sa salitang yan? hindi ang pelikulang 300 ang pinapahiwatig ko, ito ay isa pang tsinelas na sumakop sa kaisipan ng mga kabataang lalaki, ngunit nagawa din nitong higupin ang sabaw ng kaisipan ng mga kababaihan lalo na ang mga matatanda ginusto nila itong isuot kesa sa nakaugaliang bakya na yari naman sa matigas na kahoy, makapal din ang bakya mas masakit lang pumalo at lumatay, ngunit hindi nakatutok ngayon ang talata na ito sa bakya, balikan natin muli ang Spartan. Ang SPARTAN ay isang tsinelas na manipis lamang kapag binili, mabilis ito mapudpod pero ang kinaganda naman nito kumpara sa RAMBO ay magaan ito at madalas na ginagamit sa mga larong kalye at sa basketbol na may pustang ice 2bg o libreng merienda...ano ba ang itsura ng SPARTAN? para lamang itong rambo ngunit manipis nga lang at mas maraming kulay pwede mong pagpilian hinde katulad ng rambo.

"ung spartan naman...lage ko naiwawala un eh kasi walang kwenta at mabilis madumihan, sarap itapon agad"

Nang lumaon ay nagumpisa nang magsabay-sabay ang ibat ibang klase ng tsinelas, naglabasan na ang maga primayadong uri ng tsinelas at natabunan na ng mga tsinelas na sariling atin, Umangat sa lahat ang tsinelas na JORDAN ito ang tsinelas na kadalasang makikita mo sa mga paa ng "ghetto o hip hop" sila ang mga magkikita mo sa maluluwag ang pananamit at sila din ang may ari ng mga kalsada natin. Ito ay ang tsinelas na sarado ang dulo ngunit nakalabs ang lahat ng daliri mo at may logo ni Michael Jordan na nakabukaka at handa nang dumakdak sa ring. Minsan ay makintab ito, hindi lamang basta makntab kung hindi ubod ng kintab na maari mo pa itong ikasilaw sa tuwing tatama ang liwanag dito. Hinde lamang si Jordan ang nakalagy sa may harap nito, mayroon ding mga logo ng sapatos na napakaimposibleng gumawang ng tsinelas, halimbawa ng maga ito ay ang NIKE, ADIDAS at kung anu anu pa. Kadalasan ito ay ginagamit lamng bilang panlakad sa kalye at hinde para ipanglaro sa court.

"Anu nga ba tawag dun? basta hindi ko naransan isuot un, parang masyado nang panget pag dami ako kapareho"

TINATAMAD NA AKONG PINDUTIN ANG MGA LETRA DITO AT KAILANGAN KO PANG MAGSALIKSIK SA IBAT IBANG URI NG TSINELAS AT ANG MGA NAITULONG NITO SA BANSA


--damn, what a post!--
--i'll post the next part of this maybe next week, there are lots of slippers!!--


Darkness prevails, yet the city is aglow.
4:47 AM






Profile


Good evening everyone,
I'm Miguel Benjamin A Bade.
16 yrs. old and still studying(fuck)
anyway i think that's all
about me and just look above this


Rants


Links
Jmar
Loren
Iza
Cess
Aaron
Charm
Jam
Marian apo
Allysamel
Lorena
Monica Grace
Janel
Jhely
Allysa
Naji
Bea
Krizelle
John Rick
Ciarra
Carlou (Pogi)
April
Demie
Rhia
Rem
Naji blog
ARPIZ

Archive

October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009


Credits

Codes: Fish_fries
Hosts: Blogger & Photobucket